Lovestruck : Love Mo Siya, Sure Ka Ba?

Lovestruck

Karamihan sa teenagers nowadays, masyadong inistress sarili nila na makahanap ng partner in life kaya naman nag-eend na luhaan at sawi sa pag-ibig. Kasi masyado nilang mindali, kumabaga take the risk na lang. Bahala na kung anong mangyari.

Karamihan sa atin (hindi ako exempted dito) madaling ma-confused sa mga nararamdaman natin. Kiligin lang ng kaunti, hindi lang makatulog ng ilang gabi, hindi lang maalis sa isipan ang isang tao, akala in-LOVE na.

Well, after reading this book. Madami lang naman akong na-realize at madami akong napag-desisyunan na gawin.

Nakakalungkot man isipin, pero madami talaga sa atin ang madalas na nadadala ng nararamdaman natin. Yan tuloy, hindi maganda ang nagiging resulta. Kasi hindi man lang natin binigyan ang sarili natin na kausapin si Lord kung ano bang plano Nya para sa atin.

INFATUATION
– Ito yung madalas iwasan ng mga taong katulad ko — na talagang TODONG INFATUATION lang at hindi LOVE ang nararamdaman para sa iang tao. Ito ang tinatawag natin na PEKENG LOVE. Paano mo nga malalaman kung ang pagtingin mo sa isang tao ay sadyang INFATUATION lamang?Simple lang, ito ang mga karaniwang signs:

– Kapag nagustuhan mo lang sya ng dahil sa pogi/maganda sya, matangkad, maputi, at matangos ang ilong nya. Kumbaga, based sa physical features ng isang tao. Pero kapag nakilala mo na sya at nalaman mo na, hindi pala sya matalino, bulol pala sya magsalita, madali kang ma-turn off. Ibig sabihin, hindi natin matanggap kung sino talaga sila at hanggang pam-physical lang ang nagustuhan natin sa kanila.

– Yung possesive effect ka. Ayaw mo ng may kausap sya na iba, na may nakakasama syang iba. Madali kang magalit, madaling magselos. Kahit na sa pinakamaliit na bagay, nagagalit ka sa kanya dala ng selos. Ayaw mo ng nawawala sya paningin mo.

– Sya na lang ang nagiging mundo mo. Kung dati nakakasama mo pa ang mga kaibigan mo, ngayon araw-araw, sya na lang ang nakikita at kinakausap mo. Nawawalan na ng communication sa mga kaibigan kasi may love life na.

Eto ang mga karaniwang tanong naman na naririnig ko sa iba at ako din mismo e naranasan ko ng itanong:

Posible ba ang LOVE AT FIRST SIGHT?
– For me, hindi. Kahit noong hindi ko pa nababasa ang librong ito, hindi na talaga ako nagpapaniwala sa mga ganyan. Galing na din mismo sa tawag na yan, LOVE. Paano mo mamahalin agad ang isang tao kung nakita mo lang sya at hindi kayo magkakilala? ATTRACTION AT FIRST SIGHT pwede pa siguro.

Ano ba ang TL (True Love)?

– True love ba kamo? Ang best example lang naman nyan eh ang ginawa ni God for us, which is nasa John 3:16. He gave us His son, Jesus Christ to save us from our sin and for us to have an everlasting life. Well, if you will just let Him to be a part of you life, I’m sure hindi ka magsisisi. Sya na bahala sa lovelife mo! Basta ang gawin mo lang ay ang maniwala at huwag mawalan ng trust sa kanya πŸ™‚

Okay lang ba makipag-date?

– Iba sa atin, hindi man mag-enter sa isang relationship, dinadaan na lang nila sa dating. Nagpe-play safe ba. Bakit ba natin ginagawa ito? Sagot ng ilan para daw mahanap nila si Mr./Ms. Right. Parang trial and error daw. Kapag hindi kayo mag-work nung isa, antay antay lang meron na ulit.

Hndi kasi maintindihan ng karamihan sa atin na kaya ka pumapasok sa isang relationship kasi sure ka na doon sa partner mo na sya na ang makakatuluyan mo. Kaya syempre, kailangan talaga nating maging mapanuri.

Yung iba kasi napipilitan lang mag-boyfriend/girlfriend dahil sa mga kaibigan (ie: naiinggit, tinutukso na sya na lang walang lovelife)

Yung iba out of curiosity, naiisip nila na “Ano kayang feeling na may nagsasabi ng I LOVE YOU sayo noh?” “Ano bang feeling ng may girlfriend/boyfriend?”

Yung iba para lang makalimutan ang karanasan nila sa iba kaya naghanap ng panibago, rebound ba?

Yung iba, gusto lang ng may inspirasyon. Pero imbis na yan na nga ang mangyari, nakakasira pa pala sa buhay natin (ehem for me! hehe)

Tanong ng iba: “Paano ko makikita yung magiging partner ko in life kung hindi okay ang makipag-date?”

Simpe lang, hindi naman dapat pagmadaliin lahat ng bagay. Kasi sabi nga nila lahat ng minamadali, nauuwi sa hindi maganda. Gawin nating simple at mahinahon lang lahat ng ginagawa natin.

Una, syempre katulad ng nabanggit ko kanina. You have to learn how to trust God and I’m sure, He will write the best love story for you. Let Him be the author of your own love life πŸ™‚

Next, just take it slow. Kaya madaming nasasawi because of love dahil nakalimutan nilang dumaan sa maayos na proseso when it comes to entering a relationship. Yung iba, ilang araw pa lamang magkakilala, sasagutin na si boy. Mag-start muna kayo by having a “godly friendship” yung walang malisya. Huwag nyo muna isipin yung feelings nyo for each other and dito nyo na makikilala ng lubusan ang bawat isa, malalaman nyo kung compatible ba kayo. Mas maganda diba? Hindi yung mabilis masyado ang desisyon nyo. Hindi yung kung kailang nasa relationship na kayo tsaka nyo lang malalaman ang tunay na ugali ng isa’t-isa, maghihiwalay agad. And again, let God be the center of your relationship πŸ™‚

Paano kung hindi sang-ayon ang parents sa relationship?

– Understand and obey them na lang. One of the greatest commandments sa Bible nga e yung pagsunod sa kagustuhan ng magulang natin. Sila kasi ang nakakaalam ng kung anong makabubuti sa atin. Hindi sila KJ, sadyang ayaw ka lang nilang mapahamak. I’ve been in this kind of situation, syempre nagalit din ako sa kanila noon kasi akala ko ayaw nila akong maging masaya pero after ng ilang pangyayari, na-realize ko na tama pala talaga sila. Kapag sinuway natin sila parang nilabag natin ang kagustuhan ni Lord for us.

——

Kapag nagawa natin na sundin si Lord, Sya na msimo ang bahala na mapasaya tayo at dalhin ang taong magpapasaya pa lalo sa atin. Enjoyin lang ang buhay. Kelan mo na nga ba masasabing pwede ka na ulit makipag-date?

Kapag nasa right timing na ang lahat ng bagay – Kapag dumating na yung panahon na, sapat na ang motibo mo para magkaron ng relationship, kapag tama na ang timing ng oras. Kapag nasa right timing na ang kondisyon ng nararamdaman mo. Para sa mga ka-age ko, unahin muna nating makatapos ng pag-aaral at magkaron ng maayos na buhay πŸ™‚
Kapag nakuntento ka na sa pagmamahal ni Lord. Ito yung pinakamasarap na feeling, ang maramdaman ng buo ang great love sayo Nya sayo. Kahit ilan mang partners ang makilala mo, kung hindi naman ayos ang relationship mo kay Lord, kulang pa din.
Kapag natutunan mo ng intindihin ang sarili mo.
At kapag willing ka na maghintay. Kailan man, never naging advance or late si Lord sa atin. Lagi syang on time sa pagbibigay ng blessings or mga rewards natin dahil naging faithful tayo sa Kanya. Hindi natin dapat madaliin lahat ng bagay. Samahan mo na din ng prayers πŸ™‚
UNAHIN MUNA NATIN SI GOD BAGO ANG IBA πŸ™‚
INUULIT KO: “LET GOD BE THE AUTHOR OF YOUR OWN LOVE STORY” πŸ™‚

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s