Sulat ni Nanay at Tatay

Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at
pagpasensyahan. Kapag dala ng kalabuan ng mata ay
nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag
kainan, huwag mo sana akong kagagalitan. Maramdamin
ang isang matanda. Nagse-self-pity ako a tuwing
sisigawan mo ako.

Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan
ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan ng
“binge!” paki-ulit nalang ang sinabi mo o pakisulat
nalang. Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako.

Kapag mahina na tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong
tulungang tumayo, katulad ng pag-aalalay ko sa iyo
noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.

Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging
makulit at paulit ulit na parang sirang plaka. Basta
pakinggan mo nalang ako. Huwag mo sana akong
pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan. Natatandaan mo
anak noong bata ka pa? kapag gusto mo ng
lobo,paulit-ulit mo ‘yong sasabihin, maghapon kang
mangungulit hangga’t hindi mo nakukuha ang gusto mo.
Pinagtiyagaan ko ang kakulitan mo.

Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy
matanda, amoy lupa. Huwag mo sana akong piliting
maligo. Mahina na ang katawan ko. Madaling magkasakit
kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan.
Natatandaan mo noong bata ka pa? pinagtiyagaan kitang
habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.

Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako’y masungit,
dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo,
maiintindihan mo rin.

Kapag may konti kang panahon, magkwentuhan naman tayo,
kahit sandali lang. inip na ako sa bahay, maghapong
nag-iisa. Walang kausap. Alam kong busy ka sa trabaho,
subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik na
akong makakwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka
interesado sa mga kwento ko. Natatandaan mo anak,
noong bata ka pa? Pinagtiyagaan kong pakinggan at
intindihin ang pautal-utal mong kwento tungkol sa
iyong teddy bear.

At kapag dumating ang sandali na ako’y magkakasakit at
maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo sana akong
pagsawaan alagaan. Pagpasensyahan mo na sana kung ako
man ay maihi o madumi sa higaan, pagtiyagaan mo sana
akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay.
Tutal hindi na naman ako magtatagal.

Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan
mo sana ang aking kamay at bigyan mo ako ng lakas ng
Loob na harapin ang kamatayan.

At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos
na lumikha, ibubulong ko sa kanya na pagapalain ka
sana … dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama’t ina…

Very touching. Nung unang beses na mabasa ko ito, naiyak ako . I have read this many times at naririnig ko sa Encounter Weekend, lumuha parin me. I became emotional kasi I’m just so grateful to have them as my parents.

Wala silang hahangarin sa buhay mo kundi pawang kabutihan lamang… what’s the best for you..

Naranansan nating magipit. Kadalasan nating solusyon ay humingi sa magulang o mangutang sa kakilala. Ang mga magulang natin, mas madalas silang gipit, at kahit gusto nilang humiram o humingi ng tulong sa atin, hindi na lang nila sinasabi sa atin dahil mas gusto nilang maging okay tayo at hindi magipit. It breaks my heart na di nila sinasabi na may need sila pero siguro tayo nalang yong mag initiate na mag ask. 

Even when time comes, that they need to go, I’m sure, the only love that we won’t forget and regret among all the people that we have in our life, is from our parents. Wala silang katumbas. And sila yong great blessing na binigay ni Lord. 

Sa aking mga magulang, maraming salamat at mahal na mahal ko po kayo! Love you Ma and Pa! 

Advertisements

One Reply to “Sulat ni Nanay at Tatay”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s