Lower back pain… :) (bakit may smiley? di ko alam!) – Yeng

Yeng Tumblr

                   Nung linggo… lingid sa inyong kaalaman ako ay nagdusa (nagdusa talaga hahahah!) sa pagsakit ng lower back ko… Ganito ang nangyari…

After ng prod number namin, yung kasama ko si Jovit… Nagbihis ako para sa VTR na gagawin sa helipad ng abs-cbn…. Pagtapos ko magbihis sinundo na ako nung staff para sabihan na aakyat na… habang naglalakad ako palabas ng dressing room…boom… biglang sumakit yung lower back ko… tapos di ko na kayang lumakad… di ako makaupo o makakilos manlang… masakit talaga….nakatayo lang at tumigil ako… nakatingin lang sakin ang stylist kong si Em at ang hairstylist kong si Ryan pati si Ate Tinay… nag-aalala ang mga mukha nila… …. ….. kaya nagdesisyon akong ngumiti para mabawasan ang pag aalala nila…

Nakita ako ni Ate Maquie yung aking bagong road manager… at tinanong ano nga ang nangyari… sabi ko lang “biglang sumakit ang lower back ko… 😦 Nagdesisyon agad sya na tumawag ng medic… At sabi magpadala ng wheelchair…. Lalalalalalala! Naexcite akong sumakay ng wheel chair!!! ahahaha! Sa kabila ng sakit na nadarama ko NAEXCITE AKONG SUMAKAY NG WHEELCHAIR!!!! Di ko alam kung bakit pero ganun nga…(siguro dahil tamad lang talaga ako..)  napangiti ako ng malaki…

Dami nila sinabi na posibleng sakit na meron ako… sabi.. baka scoliosis, UTI, slip disc… at kung ano ano pa… aaminin ko mejo nag alala ako… parang horror movie.. (heng heng heng sabay close up sa muka na nanlalaki ang mata heheheh!) Dumating ang wheel chair… lalalalalala…

Yes, yes daz rayt…. Nagpapicture ako!!!! hahahahahah! natuwa ako sa wheelchair… nalimutan ko ang mga posibleng sakit kung bakit sumasakit ang lower back ko… natuwa ako na uupo ako sa wheelchair at itutulak yon ng machong mama! hehehehe! joke lang..

Tinulak ang wheel chair papuntang elevator… Balak parin naming ituloy ang VTR… sayang ang araw.. at isa pa naghihintay narin ang makakasama ko sa taas… hiling ko lang sana nakaupo nalang ako sa VTR kase di ko kayang tumayo…

Umakyat kami sa taas… at pagdating dun kelangan pa pala umakyat ng manual sa hagdanan di na kase abot ng elevator ang mga susunod na palapag… “Nuninuninu.. ano kaya gagawin natin???” yon ang nasa isip ko… Biglang nagdecide sila na buhatin ang wheelchair habang nakasakay ako… tatlong machong mama ang nagbuhat! heheheh! 🙂 Pagdating sa taas… heng heng heng… horror nanaman… meron pang apat yata o hanggang anim na palapag na aakyatin pa… sabi ko sa kay Ate Maquie wag na lang namin ituloy kase mahihirapan ang mga magbubuhat… at isa pa masakit din talaga ang lower back ko…

Habang nag iisip sila ano gagawin… tinawag ko si Ate tinay, Em at Ryan… sabi ko “pray tayo…” Nagpray kame… Nagthank you ako kay God na natapos namin ang Asap with flying colors… gustong gusto ko ang damit, buhok, make-up at kanta nung Sunday na yon… (WAAAAAAAAAHHHH NAKASAMA KO PA SI SIR BAMBOO SA ISANG PROD!!!) Nagthank you ako kay God… tapos sabi ko “God kung scheme ito ng enemy ang pagsakit ng lower back ko para di ako makapagtrabaho ng maayos at di makachurch at di makaserve Sayo… I cancel and rebuke this… In Jesus Name.. Pero God kung inallow Nyo po ito mangyari dahil may tinuturo po Kayo sakin… Lord, Let your will be done… ”

Pagtapos namin magpray… Boom… merong peace… sumabog na PEACE sa loob ng puso ko… Yun… TRUST… yun pala yun… 🙂

Binaba na nila ako sa basement para ihatid na sa hospital… Natira yung isang medic para buhatin ako paakyat ng upuan ng sasakyan… tapos ito ang naging conversation namin…

Medic: Ma’am Christian po kayo?

Ako: Opo Kuya…

Medic: Ako din po eh.. dati…

Ako: Oh.. Ano nangyari? 😦

Medic: eh….

Sabay inakyat nya na ko sa sasakyan… Tapos sabi ko Kuya… Ayos lang ba ipagpray kita? 🙂 Pumayag sya.. tapos ko sya ipagpray… sabi ko… Kuya hinihintay ka ni God…. 🙂 baka natakot sya akalain nya kinukuha na sya ni Lord! hahahahahah! Pero ganda ng ngiti nyang binalik sakin… 🙂 Gets na ni Kuya yon!

Pumunta na kame ng hospital… Bago ako i-xray… ito itsura ko… 🙂 Nagpapicture ako ulit…

Dinala ko pa ang leopard blankee ko at color fenk na bible… (kikay din ako.. wahehehe..) nanjan din yung ipod ko… 🙂 nakikinig ako ng kanta ni Kari Jobe… 🙂 Nakangiti lang ako… At naremind ako na… WOAH! ANG IKLI LANG TALAGA NG BUHAY!!!! 🙂 ang ikli lang talaga ng buhay… Mapapagod ka pa bang mabuhay ng tama? 🙂

Na-xray na ko… Ayun! walang bali… Skeletal and muscular strain lang daw… Pain killer at pahinga…

Ang laking thank you ko kay God… di lang dahil wala akong UTI, Scoliosis, or Slip Disc… Pero dahil sa nangyaring ito narealize ko na maikli lang ang buhay… At ayokong sayangin ang buhay na ito… 🙂

Saaaaaaraaaaaap! TRUST…. maikli lang ang buhay… mabuhay ka ng tama Yeng.. 🙂

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s